NBI, wala pang natatanggap na court order kung ibabalik sa kustodiya nila ang kontratistang si Sarah Discaya

Wala pa umanong natatanggap na court order ang National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y kaugnay ng mosyon ni Sarah Discaya at mga kapwa-akusado na ibalik sa kanilang kustodiya.

Ayon kay NBI Acting Director Atty. Lito Magno, nakahanda ang NBI sakaling katigan ng korte ang hirit ni Discaya.

Ani Magno, kung sakali man na ibabalik aniya si Discaya sa custodial facility ng NBI sa Building 14 sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City.

Una nang tiniyak ng NBI na nasa maayos na kalagayan sa Lapu-Lapu City Jail ang tinaguriang ‘flood control queen.’

Nang tanungin kung sino-sino ang mga dumalaw kay Discaya nitong Pasko at Bagong Taon, sinabi ng acting director na wala siyang personal knowledge dito pero pinapayagan naman aniya ang bisita.

Matatandaang naghain ang kampo ni Discaya at 8 kapwa akusado ng ‘urgent motion’ para maibalik sa kanilang kustodiya.

Umapela rin ang kontratista na dumalo lamang sa mga hearing sa pamamagitan ng video conferencing kung maaprubahan ang paglipat.

Facebook Comments