NBI, wala pang report hinggil sa karumal duman na Bulacan Massacre

Manila, Philippines – Ibinigay na ng NBI Bulacan division sa punong tanggapan ng National Bureau of Investigation ang initial report hinggil sa naganap na karumal dumal na San Jose Del Monte, Bulacan massacre.

Pero ayon kay NBI Public Information Chief Nick Suarez, natanggap na nila ang initial report pero hindi pa ito nababasa at napag-aaralan ni NBI Director Dante Gierran.

Saka-sakaling mayroon na aniya silang impormasyon ay agad silang magpapatawag ng isang press conference.


Una nang sinabi ng NBI na iimbestigahan narin nila si Dexter Carlos ang naulilang ama sa nasabing masaker.

Isasailalim din ng Special Investigation Task Group ng Bulacan Police Provincial Office sa lie detector test si Carlos.

Matatandaan noong June 27, tinadtad ng saksak at ginahasa pa ang may bahay ni dexter maging ang kanyang byanan, hindi rin nakaligtas at pinatay din ang kanyang tatlong maliliit na anak.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments