NBOC-Congress, pormal nang naiproklama sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio

Pormal nang naiproklama ngayong gabi ng National Board of Canvassers o NBOC-Congress sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Si Marcos ay nakakuha ng 31,629,113 votes o 58.77% ng kabuuang boto habang si Duterte ay nakakuha naman ng 32,208,417 votes o 61.53%.

Si Marcos ang ika-17 pangulo ng bansa habang si Duterte ang ika-15 na pangalawang pangulo.


Napagtibay ang pagkapanalo nila Marcos at Duterte matapos aprubahan ng Kongreso ang canvassing report at Resolution of Both Houses Number 1 na nagdedeklara sa mga “duly elected” na presidente at bise presidente ng bansa.

Kasama ni Marcos sa kanyang proklamasyon ang kanyang pamilya habang mag-isa naman si Duterte.

Sinabi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na ito na ang pinakamabilis na canvassing ng boto sa pangulo at ikalawang pangulo na tumagal lamang ng dalawang araw o 15 oras sa kabuuan.

Bukod dito, ang halalan ngayong taon ang may pinakamataas na voter turnout na nasa 82% o humigit kumulang 55 million na mga botante.

Facebook Comments