MANILA – Nakatakdang magpaliwanag ngayong araw sa National Board of Canvasser ang mga provincial election officer ng Laguna, Davao Del Norte at Ilocos Sur.Ito ay matapos na nagkaroon ng mga problema ang Certificate of Canvass mula sa mga nasabing probinsya.Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales at Chairman ng Kamara sa Joint Congressional Canvassing Committee, ilan sa mga nakitang problema ang pag-print ng cocs sa ordinaryong printer na walang hash code at ang kawalan ng security features at mga pirma.Dahil rito, hindi na itinuloy kahapon na binilang ng NBOC ang mga COCs.Pero, nilinaw ni Gonzales na bibilangin pa rin ang mga nasabing boto at walang mangyayaring manipulasyon sa isinasagawang canvassing para sa pangulo at pangalawang pangulo.
Nboc, Nilinaw Na Walang Mangyayaring Manipulasyon Sa Bilangan Ng Boto Sa Pangulo At Ikalawang Pangulo
Facebook Comments