NCAA | Jose Rizal University, tinalo ng Arellano University sa women’s volleyball tournament

NCAA – Tinalo ng Defending Champion Arellano University ang Jose Rizal University sa naging laban nila kahapon sa NCAA Season 93 Women’s Volleyball Tournament na ginanap sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nanalo ang Lady Chiefs sa 3-1 sets na may score na 25-11, 22-25, 25-18 at 25-16.

Dahil dito, nananatili silang nangunguna sa team standing sat undefeated sa tournament na may 4-0 win/loss record.


Sunod na makakalaban ng Arellano ang Letran Lady Knights sa darating na biyernes, alas-11:00 ng umaga sa kaparehas na venue.

Facebook Comments