NCAA | Lyceum Pirates target ang twice-to-beat advantage sa final four

Manila, Philippines – Pakay mamaya ng Lyceum University of the Philippines na makuha ang twice-to-beat advantage kontra Mapua Cardinals sa Season 94 ng NCAA.

May kartadang 13 panalo kontra isang talo, pasok na sa final 4 ang mga Pirates pero nais pa rin ng koponan na makuha ang mahalagang bentahe sa semifinals.

Maghaharap mamayang alas kuwatro ng hapon ang Pirates at Cardinals sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Samantala, nasa survival mode naman ang Arellano University sa laban nito sa Emilio Aguinaldo College.

Sa kartadang 4-9, hindi puwedeng matalo ang mga Chiefs sa mga Generals para mapanatili pa ng mga ito ang maliit nilang pag-asa na makapasok sa last four ng torneo.

Parehong laglag na sa semis ang Mapua Cardinals at EAC Generals.

Facebook Comments