NCAA | Red Lions sinakmal ang Generals; Stags pinabagsak ang Heavy Bombers

Sumandal ang defending champion San Beda Red Lions sa mainit na shooting nila sa third quarter para tambakan ang Emilio Aguinaldo Generals, 76-57 para maitala ang kanilang ika-labing dalawang panalo sa men’s basketball tournament ng Season 94 ng NCAA.

Umiskor ng 12 puntos si Robert Bolick sa third period para ilayo ang Red Lions sa Generals mula sa dikitang 38-36 na sore pagkatapos ng first half.

Tinapos ni Bolick ang laro sa kaniyang game high 20 points.


Sa unang laro naman, naitala ni Allyn Bulanadi ang career-high 27 points para dalhin ang San Sebastian Stags sa 82-75 na panalo laban sa Jose Rizal Heavy Bombers.

Dahil sa panalo na kanilang ikaapat kontra siyam na talo, may maliit pang pag-asa pa ang Stags na makapasok sa Final 4 ng liga.

Facebook Comments