NCAA WOMEN’S VOLLEYBALL LEAGUE | Mapua – ‘winless’ pa rin

NCAA – Ibinaon ng Emilio Aguinaldo College ang wala pang panalong Mapua sa kanilang 5-set showdown, 25-23, 22-25, 22-25, 25-23, 15-12 sa season 93 ng NCAA Women’s Volleball Tournament sa The Arena.

Nanguna si Ladeisheen Magbanua na nagbagsak ng 17 points at sinundan naman siya ng 16 points ni Aira Binondo para sa Lady Generals.

Ayon sa coach ng EAC na si Rodrigo Palmero, masaya siya sa kanilang pagkapanalo.


Aniya, madalas raw kasi silang natatalo pag umaabot sa ika-limang set ang laban.

Si Patria Peña naman ay nagtala ng 20 points para pangunahan ang Lady Cardinals.

Facebook Comments