Pansamantala nang inalis ng mga Local Government Units (LGUs) ang libo-libong NCAP alarm tagging ng mga paglabag sa No Contact Apprehension Program (NCAP).
Layon nito upang mapayagan ang pagpaparehistro ng mga sasakyan.
Nauna nang pinadalhan ng liham ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III ang mga LGUs na nagpapairal ng NCAP at hiniling ang pag-alis ng alarma na naka-tag sa sistema ng ahensya.
Ngayong araw may tatlong LGUs na ang nagpoproseso ng pag-alis ng alarma na may paglabag sa NCAP kabilang ang Quezon City, Paranaque City at Bataan.
Ang nasabing hakbang ay may kaugnayan sa ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa implementasyon ng NCAP.
Facebook Comments