NCAP ng NCR LGUs, suportado ng MMDA

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suportado nito ang No-Contact Apprehension Program (NCAP) ng Metro Manila Local Government Unit (LGU) at ng Land Transportation Office (LTO).

Sa harap ito ng sunud-sunod na petisyong inihan sa Korte Suprema ng transport groups at ng ilang motorista hinggil sa nasabing polisiya.

Ayon sa MMDA, regular naman silang nagsasagawa ng konsultasyon sa Metro Manila LGUs hinggil sa mga polisiya sa pagpapairal ng trapiko.


Iginiit din ng MMDA na sa pamamagitan ng kanilang sariling version ng NCAP, nagkakaroon ng kaalaman ang publiko hinggil sa mga panuntunan sa trapiko.

Facebook Comments