Nagsagawa ng inspeksyon ang ilang mga tauhan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa nasunog na Manila Central Post Office.
Bukod sa NCCA at NHCP, kasama rin nilang nag-ikot ang Philippine Postal Corporation (Philpost) ilang arkitekto at inhinyero.
Mismong tinungo ng mga ito ang ground zero ng Manila Central Post Office para magsagawa ng initial assessment sa gusali.
Mula sa harap hanggang sa likod gayundin ang basement ng post office ay sinuri ng mga tauhan ng NCCA at NHCP para malaman kung ano maaari pang gawin o kaya ay puwede pakinabangan.
Paraan din ito para makagawa ng plano para sa isasagawang rehabilitasyon sa nasabing gusali.
Matatandaan na nasunog ang Manila Central Post Office noong May 26, 2023 kung saan inabot ito ng general alarm at halos natupok ang lahat ng gamit.