Manila, Philippines – Nakuha na ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang katawan ng 36 katao na na-trap sa nasunog sa New City Commercial Center (NCCC) mall sa Davao City.
Matatandaang nagsimula ang sunog sa naturang mall noong Sabado (Dec. 23) ng umaga.
Personal na inanunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagkaka-rekober sa nasabing mga labi.
Ipinaliwanag ni Duterte na mismong si Davao City fire Marshal Senior Superintendent Wilberto Rico Niel Kwan Tiu ang nagbilang ng mga bangkay.
Ayon kay Tiu, natagpuan ang mga bangkay sa ikaapat na palapag ng mall kung saan matatagpuan ang SSI call center.
Karamihan aniya sa mga namatay ay pawang mga empleyado ng SSI.
Nangako naman ang nasabing kumpanya na tutulong sila sa pagpapalibing sa mga namatay sa trahedya.