NCCC MALL FIRE | 5 opisyal ng BFP, sinibak

Manila, Philippines – Tinanggal na sa pwesto ang limang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay ng sunog sa New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Davao City.

Kabilang sa mga sinibak sina:
Davao District Fire Marshall, Fire Superintendent Honee Fritz Alagano
Station Commander, Fire Inspector Renero Jimenez
Fire Safety Enforcement Section Chief, Senior Fire Officer 1 Roger Dumag
Senior Fire Officer 1 Leo Lauzon
Fire Officer 2 Joel Quizmundo

Kinuwestyon ang limang opisyal dahil sa pag-iisyu ng fire safety inspection certificate sa NCCC Mall at SSI call center gayung may paglabag ito sa Fire Code of the Philippines.


Lumabas sa imbestigasyon na hindi konektado sa central fire alarm system ng NCCC Mall ang alarm system ng SSI at wala rin itong automatic fire suppression system.

Hindi rin gumana ang automatic fire system ng NCCC Mall sa 3rd at 4th floor dahil sarado ang floor control valve nito.

Ang fire exit doors naman ay hindi ito smoke proof at wala rin itong self-closing system.

Posibleng maharap ang mga opisyal ng kasong administratibo at kriminal.

Facebook Comments