NCCC MALL FIRE | Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, itinangging endorser at image model ng nasunog na mall

Davao City – Itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na siya ang endorser at image model ng nasunog na New City Commercial Complex Mall.

Ayon kay Duterte, isang supermarket na tenant ng NCCC Mall ang kaniyang ineendorso at hindi ang mismong mall.

Aniya, hindi niya kailangang mag-inhibit sa imbestigasyon dahil hindi naman siya miyembro ng investigation team.


Pero may karapatan aniya siyang mangialam sa imbestigasyon bilang alkalde ng lungsod.

Facebook Comments