NCCC MALL FIRE | DOLE, paiimbestigahan na rin ang sunog sa isang mall sa Davao City

Manila Philippines – Mag-iimbestiga na rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa nangyaring sunog sa New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Davao City, na nagresulta sa pagkamatay ng 37 katao.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inatasan na niya ang mga opisyal ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) sa Davao para alamin kung may paglabag ang NCCC Mall.

Maliban rito, inutos na rin ng kalihim ang pagbibigay ng buwang employment assistance na kanilang ibibigay sa mga biktima ng sunog.


Facebook Comments