NCCC MALL FIRE | Isa pang biktima ng sunog, hindi pa rin nahahanap

Davao City – Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang isang babaeng call center agent na namatay sa sunog sa New City Commercial Complex mall sa Davao City.

Hindi pa nakikita ang hindi pinangalanang babae halos dalawang linggo matapos masunog ang gusali.

Ayon sa mga awtoridad, nasa 60 porsiyento na ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.


Una nang pinatawan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng indefinite suspension ang research now SSI at NCCC mall.

Ayon sa PEZA, kapag suspended ang registration ng isang kumpanya, hindi na ito maaaring mag-operate at lahat ng incentives nito ay ipatitigil.

Facebook Comments