NCCC MALL FIRE | Isa sa nasawing call center agent, nailibing na

Davao City – Inilibing na ang isa sa mga nasawing call center agent sa nangyaring sunog sa NCCC mall sa Davao noong Disyembre 23.

Hindi pa rin matanggap ng pamilya ni Jeffrey Sismar ang pagkamatay nito dahil itinuturing siyang breadwinner ng kanilang pamilya.

Sa isinagawang search and retrieval operation ng interagency anti-arson, posibleng nahulog ang katawan ni Sismar sa 2nd floor ng gusali kaya hindi nila natagpuan sa 4th floor ang katawan nito kung saan nakita ang 37 na mga kasamahan niya.


Sa kabila ng nangyari ay nagpapasalamat ang pamilya ni Sismar sa mga inalok na tulong-pinansiyal ng gobyerno at tulong ng mga mabubuting tao sa kanilang pamilya.

Facebook Comments