NCCC MALL FIRE | Kasong isasampa sa pamunuan ng mall, inihahanda na!

Manila, Philippines – Inihahanda na ng binuong inter-agency task force ang kanilang irerekomendang kaso laban sa pamunuan ng New City Commercial Center o NCCC mall sa Davao City.

Kasunod ito ng lumabas sa imbestigasyon kaugnay sa naging dahilan ng malaking sunog na ikinamatay ng 38 empleyado noong Disyembre 23.

Ayon sa tagapagsalita ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force na si Supt. Jerry Candido, electrical short circuit ang dahilan ng nasabing sunog.


Nakitaan din ng ilang pagkakamali sa disenyo ang mga fire exit dahil bukod sa hindi ito fire-rated ay mahirap din daw itong hanapin kapag makapal na ang usok.

Napansin din na nasa manual mode ang fire alarm at water sprinklers ng mall kaya hindi ito gumana at ang mga lumang fire extinguishers na hindi rin gumana.

Dahil dito, posibleng humarap sa kasong paglabag sa fire code at electric code ang pamunuan ng NCCC mall.

Facebook Comments