Davao City – Sinuspinde na ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA ang registration ng nasunog na New City Commercial Complex Mall sa Davao City kung saan 38 ang nasawi.
Bukod rito, sinabi ni PEZA Director General Charito Plaza, na suspendido na rin ang rehistro ng Business Process Outsourcing Company na nasa loob ng mall.
Aniya, kapwa nabigong tumalima ang Research Now SSI at NCCC mall sa safety standards ng PEZA kahit pa ilang beses nang binalaan ang mga ito.
Inilabas ang suspension order noong Disyembre 29, 2017 at maaari lamang makapag-operate muli ang nasabing mga kumpanya oras na tumalima na sa safety requirements ng PEZA, Bureau of Fire Protection (BFP), Local Government Unit (LGU) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Facebook Comments