Tiniyak ni National Center for Mental Health (NCMH) Head Dr. Roland Cortez na sapat ang kanilang supply ng Personal Protective Equipment (PPEs) at tatagal ang kanilang supply ng 10 hanggang 12 araw.
Aniya, may dagdag na PPEs pa silang inaasahan mula sa iba’t-ibang donors at organisasyon, at patuloy aniya silang tumatanggap ng mga donasyon.
Nilinaw din ni Dr. Cortez na mahigpit na sinusunod ng NCMH ang accounting at auditing rules pagdating sa donasyon kung saan Bawat donasyon ay direktang napupunta sa NCMH-Material and Management System.
Layon aniya nito na matiyak ang transparency at maaring mag-isyu ang NCMH ng required certifications sa anumang uri ng donasyon.
Kinumpirma rin ni Dr. Cortez na hindi pa rin umaalis si dating NCMH chief administrative officer Clarita Avila sa kanyang two-storey cottage na kanyang inuukupa sa NCMH complex bagamat inilipat na ito ng assignment ng Department of Health (DOH).
Tumanggi din kasi ito na lagdaan ang anumang official documents, at sa katunayan ay hindi rin nagsumite ng Performance Commitment Document na kinakailangan ng batas sa NCMH Human Resource Management Office.
Una nang isiniwat ni Avila na 50 na sa 83 psychiatrists sa NCMH ang kasalukuyang nang sumasailalim sa “self-quarantine” dahil sa kanilang exposure sa COVID-19 at 34 daw na NCMH staff ang positibo sa virus