NCOV death toll, lumobo na sa 811

Lumobo na sa 811 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD).

Mas mataas ito kumpara sa naitalang death toll noong 2002-2003 bunsod ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na kumitil ng 774 katao.

Sa nasabing bilang, 89 na panibagong fatalities ang naitala sa Hubei Province.


Aabot naman na sa 37,198 ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa China matapos ang outbreak nito noong Disyembre.

Sa ngayon, dalawang kumpirmadong kaso pa lang ng pagkamatay dahil sa nCoV ang natala sa labas ng China kabilang ang lalaking Chinese na nasawi sa Pilipinas at isang 39-year old Chinese man mula Hong Kong.

Facebook Comments