NCR at ilan pang lugar sa bansa, mananatili pa rin sa Alert Level 1 hanggang sa Abril 15

103

Mananatili pa rin sa COVID-19 Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at ilan pang mga lugar sa bansa, epektibo ngayong araw hanggang Abril 15.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar, ito ang napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force on emerging infectious diseases.

Bukod sa Metro Manila, nasa ilalim din ng Alert Level 1 ang mahigit 100 pang lugar sa bansa.


49 na lugar naman ang nasa Alert Level 2.

Sa ilalim ng Alert Level 1, pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan ang publiko, anuman ang edad o comorbidity habang wala ng ipinapatupad na kapasidad sa mga estalisyemento.

Facebook Comments