Tumaas ng 5,268 ang average daily COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) mula sa 4,614 cases noong nakaraang linggo.
Ayon sa OCTA Research Group, bagama’t tumaas ang mga kaso, bumaba naman sa 6,069 ang hospital bed occupancy sa NCR nitong Setyembre 1 hanggang 7 mula sa 6,211 na naitala noong Agosto 25 hanggang 31.
Bumaba rin ang Intensive Care Unit (ICU) utilization sa 1,064 mula sa 1,078 sa kaparehong panahon.
Sinabi naman ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) Pressident Dr. Jose de Grano na wala silang problema sa kasakuluyang occupancy rate sa mga ospital.
Pero marami na aniyang healthcare workers ang nagpopositibo sa virus na hindi na sumasapat para tugunan ang COVID-19 patients.
Facebook Comments