Nasa “low risk” ngayon ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR).
Mula ito sa “very low risk” classification ng rehiyon sa mga nagdaang linggo.
Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, ito ay makaraang lumampas muli sa 100 ang 7-day average cases ng COVID-19 sa Metro Manila na kauna-unahan simula noong December 3 hanggang 9.
Simula December 20 hanggang 26, 2021, nakapagtala ng 116 na 7-day average cases sa NCR.
Noong December 23 ay tumaas sa 0.85 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa rehiyon na mas mataas sa 0.42 noong December 15.
Habang ang 7-day positivity rate ay tumaas din sa 1.41%.
Sa kabila nito, nananatiling “very low” ang occupancy rate ng mga hospital bed at intensive care units (ICUs) sa NCR.
Facebook Comments