Naniniwala ang OCTA Research Group na ang ipinapatupad na bagong quarantine setup sa Metro Manila at apat pang lalawigan ay may epekto sa iba pang lugar na hindi kasama sa quarantine bubble.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pagpapatupad ng GCQ bubble sa NCR+ ay makakatulong para hindi kumalat ang infection sa mga probinsyang walang mataas na kaso ngayon.
Aniya, parang “ikinukulong” ang pandemya sa loob ng area bubble.
Ang kasalukuyang reproduction number ng virus sa NCR ay nasa 2.1 – ibig sabihin, ang isang COVID-19 positive individual ay kayang hawaan ang nasa dalawang katao.
Kaya malabong humupa agad ang COVID-19 cases sa loob ng dalawang linggo.
Umaasa si David na mapapabagal ang pandemic trend kasunod ng pagpapatupad ng mga bagong restrictions.