Nangunguna ngayon ang National Capital Region, Calabarzon at Central Luzon sa mga rehiyon sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Health, noong April 16 hanggang May 2, nakapagtala ang NCR ng 573 na bagong kaso ng sakit habang 180 sa Region 4-A at 110 sa Region 3.
Top areas naman para sa new COVID cases ang Quezon City na mayroong 109; Maynila, 82; at Cavite, 70.
Samantala, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tanging Omicron BA.2.12 at BA.2.3 sub-variants pa lamang ang nade-detect sa Pilipinas.
Paliwanag ng kalihim, bagama’t 10% hanggang 20% na mas mabilis makahawa ay wala pang matibay na ebidensyang nagpapakita na mas malubha ang mga subvariant na ito.
Wala rin aniyang sapat na datos na nagsasabing may kakayanan ang mga naturang subvariants na makalusot sa proteksyong ibinibigay ng mga bakuna.