Simula sa Pebrero 1 hanggang 28, 2021, muling mapapasailalim sa General Community Quarantine ang Cordillera Administrative Region (CAR) kabilang ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.
Habang ang National Capital Region (NCR) ay mananatili na GCQ kasama na ang probinsya ng Batangas, Tacloban City, Davao City at Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang iba pang mga rehiyon, probinsya at mga siyudad na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Sinabi naman ni Roque na hindi na palalawigin ng Inter-Agency Task Force ang ipinapatupad na travel restriction sa 35 bansa na apektado ng bagong Coronavirus variant na magtatapos sa Enero 31, 2021.
Mananatili namang bawal pumasok sa bansa ang lahat ng mga dayuhan kabilang na ang may hawak ng tourist visas.
Habang ang mga papayagang makapasok ng bansa ay kailangan na kumpletuhin ang 14-day quarantine.