Nakikitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa pero nananatiling nasa ‘safe zone’ ang healthcare utilization.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Medical Specialist Dr. Althea De Guzman, naputol ang ‘plateauing trend’ o pagpatag ng epidemic curve dahil sa pagsipa ng COVID cases ngayong linggo.
Sa kabila nito, sinabi ni De Guzman na kinakaya pa ng health system ang mga kaso.
Napansin ng DOH ang pagtaas ng kaso sa National Capital Region, Central Visayas at Cordillera Administrative Region.
Para maiwasang masagad ang kapasidad ng health system sa bansa, dapat magpatupad ang local government units ng mahigpit na Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration strategy.
Facebook Comments