Ikinokonsidera ng OCTA Research Group ag NCR plus, Davao City at Western Visayas bilang “epidemic centers” buhat ng mataas na daily average ng COVID-19 cases.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang Metro Manila ay nakakapagtala ng halos 1,000 COVID-19 cases kada araw, nangangahulugang nananatili pa rin itong episentro ng epidemya.
Bukod sa Davao City, dapat ding bantayan ang daily case average sa General Santos City, Cotabato City, Cagayan de Oro City, Zamboanga City, at Iloilo City.
Kaya panawagan naman ni OCTA Research Fellow Professor Ranjit Rye na paghusayin pa ang testing, tracing at isolation sa mga nabanggit na lugar.
Una nang sinabi ng OCTA na ang nangyayaring surge sa labas ng Metro Manila ay maaaring magtagal ng halos isang buwan.