NCR, hindi pa handang ibaba sa Alert Level 2 – OCTA

Naniniwala ang OCTA Research Group na hindi pa handa ang Metro Manila na ibaba sa Alert Level 2 kahit pa bumababa na ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang healthcare utilization rate (HCUR) sa National Capital Region ay kasalukuyang nasa low risk pero sa ibang pamantayan ng Inter-Agency Task Force ay nananatili itong nasa high risk.

Sa susunod na linggo pa aniya maaaring bumaba sa moderate risk ang HCUR sa rehiyon.


Giit ni David, mayorya pa rin ng naitatalang kaso ng COVID-19 ay mula sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

Facebook Comments