NCR, isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding pagbahang dulot ng Bagyong Carina

Opisyal nang idineklara ng Metro Manila Council (MMC) ang pagsasailalim sa state of calamity ng National Capital Region (NCR).

Sa pulong ngayong hapon nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasama ang iba’t ibang alkalde sa Metro Manila, napagkasunduan na isailalim ang NCR sa state of calamity dahil sa nararanasang malawakang pagbaha ngayon sa NCR.

Tiniyak naman ng MMC at ng DILG na patuloy silang naka-monitor sa sitwasyon ngayon.


Facebook Comments