Tanging local government units (LGUs) lamang sa Metro Manila na malapit nang matapos sa pagbabakuna ng kanilang residente ang maaaring magsimula sa pagbabakuna ng mga residente ng ibang lungsod.
Paglilinaw ito ni MMDA Chairperson Benhur Abalos kasunod ng anunsyong nagkasundo ang mga LGU sa NCR na bakunahan ang mga residente ng bawat isa.
Aniya, mga LGU na nasa 80% completion na ang maaaring magturok sa residente ng ibang lungsod gaya ng Pateros, Mandaluyong, Marikina at San Juan.
Pero sabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora, tatapusin muna nilang bakunahan ang sarili nilang residente.
Hanggang noong Linggo, August 22, umabot na sa 4,262,546 na residente sa NCR ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Facebook Comments