NCR, mananatili sa GCQ with some restrictions hanggang July 15; Ilang lugar sa bansa, inilagay sa MECQ at GCQ

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin sa General Community Quarantine (GCQ) with “some restrictions” hanggang July 15, 2021 ang National Capital Region (NCR).

Bukod sa Metro Manila, ilalagay din sa GCQ with “some restrictions” ang Bulacan at Rizal.

Ang Cavite at Laguna naman ay isasailalim sa GCQ with “heightened restrictions” mula July 1 hanggang 15.


Ang sumusunod na lugar ay ilalagay sa original GCQ sa buong buwan ng Hulyo.

• Baguio City
• Ifugao
• City of Santiago, Isabela
• Nueva Vizcaya
• Quirino
• Batangas
• Quezon
• Guimaras
• Aklan
• Bacolod City
• Negros Occidental
• Antique
• Capiz
• Zamboanga Sibugay
• City of Zamboanga
• Iligan City
• General Santos City
• Sultan Kudarat
• Sarangani
• Cotabato
• South Cotabato
• Agusan del Norte
• Surigao del Norte
• Agusan del Sur
• Cotabato City

Ilalagay naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang sumusunod na lugar hanggang July 15, 2021:

• Cagayan
• Apayao
• Bataan
• Lucena City
• Puerto Princesa
• Naga
• Iloilo City
• Iloilo
• Negros Oriental
• Zamboanga del Sur
• Zamboanga del Norte
• Cagayan de Oro City
• Davao City
• Davao Oriental
• Davao Occidental
• Davao de Oro
• Davao del Sur
• Davao del Norte
• Butuan City
• Dinagat Islands
• Surigao del Sur

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng Modified GCQ para sa buong buwan ng Hulyo.

Facebook Comments