NCR, may community transmission na ng Omicron variant ng COVID-19 – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may community transmission na ng Omicron variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, bagama’t hindi nakakahabol ang whole genome sequencing ng bansa dahil sa patuloy na pagsipa ng mga kaso ng sakit, natukoy ng DOH na mayroon nang local cases ng Omicron sa bansa.

Una nang sinabi ng DOH na batay ito sa kanilang tantya na napasok na ng Omicron ang mga komunidad at kailangan pa ng ebidensya bago ideklara ang Omicron-driven community transmission.


Samantala, inihayag din ni Vergeire na tumataas na rin ang mga kaso ng COVID-19 sa iba pang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila.

Aniya, sakaling magpatuloy pa ito, maaaring mapalitan na ng Omicron ang Delta bilang dominanteng variant ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments