NCR mayors, hiniling sa IATF na suspendihin ang polisiyang nagpapahintulot sa mga bata para lumabas

Nanawagan ang Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force (IATF) na suspendihin ang polisiyang nagpapahintulot sa mga batang may edad limang taong gulang at pataas na lumabas ng kanilang mga bahay sa harap ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, ang mga bata ay hindi pa maaaring maturukan ng COVID-19 vaccine kaya maaari silang maging super spreaders.

“Kami po ay nagbotohan kanina at hinihiling po sana namin sa IATF na baka maaari na ‘yong polisiya na ‘yong 5 years old pataas ay masuspinde muna sa Metro Manila dahil mayroon kaming kaso [ng Delta variant] rito,” sabi ni Abalos.


Sa kabila nito, sinabi ni Abalos na handa ang Metro Manila mayors para sa Delta variant.

Facebook Comments