Napapanahon na para ibaba ang Alert Level status sa Metro Manila kung titingnan ang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Katwiran ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, marami na ang nawawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Umaasa ang alkalde na magluluwag na ang NCR bukas sa gitna na rin ng nakikitang downward trend sa COVID-19 cases.
Ayon pa kay Teodoro, nagkasundo ang Metro Manila mayors na magpatupad ng iisa lamang na alert level sa buong rehiyon.
Facebook Comments