Naabot na ng National Capital Region (NCR) ang target na nilatag ng Department of Health (DOH) para sa PinasLakas Vaccination campaign.
Batay sa datos ng DOH-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD-DOH), higit 90% ng mga senior citizens sa NCR ay fully vaccinated na kontra COVID-19 habang nasa 50.04% ng eligible population ng rehiyon ang naturukan na ng booster shot.
Sa kabila nito, inihayag ni MMCHD-DOH Assistant Regional Director Dr. Aleli Sudiacal na patuloy pa rin ang kanilang pagbabakuna dahil nakikita na muli ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa kabila nito, nilinaw na isang rehiyon pa lamang ito at malayo pa sa vaccination target ang maraming rehiyon sa bansa.
Unang itinakda ng DOH sa 50% ang target ng booster coverage pagsapit ng October 8 ngunit ibinaba kalaunan sa 30% bunsod ng mababang turnout nito.
Samantala, patuloy na nakikita ng World Health Organization (WHO) ang pagbaba ng mga namamatay sa COVID-19 sa buong mundo kung saan mula sa 11,000 na naitala noong September 5 hanggang 11 ay bumaba na ito sa 9,800 nitong September 12 hanggang 18.