Balik na sa downward trend ang COVID-19 cases na naitatala sa National Capital Region (NCR).
Pahayag ito ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group, kasunod ng bahagyang pagtaas ng reproduction rate ng COVID sa NCR noong nakaraang linggo.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na posibleng bunsod ng pagtaas sa reproduction rate ang mga super spreader event na naitala noong nakaraang linggo.
Gayunpaman, naging mabilis naman aniya ang pagtugon ng mga Local Government Unit (LGU), kaya’t balik na ulit sa downward trend ang NCR.
Kasunod nito, iginiit ni David na kailangan munang pag-aralan ang mga datos bago tuluyang luwagan ang restriction sa NCR lalo na’t mabilis magbago ang COVID-19 trend.
Facebook Comments