NCR, nakapagtala ng halos 1,000 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon; Quezon City, nanguna sa 170 new cases

133

Nakapagtala ang Department of Health ng 985 na bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kahapon, July 14.

Ayon sa DOH, tatlo sa mga lungsod ng NCR ang nakapagtala ng higit sa 100 bagong kaso ng sakit na kinabibilangan ng Quezon City na may 170 new cases; Manila, 119 at Makati, 103.

Samantala, narito naman ang naitalang new COVID cases sa iba pang bahagi ng Metro Manila:
• Taguig – 90
• Parañaque – 83
• Las Piñas 0 77
• Pasig – 69
• Muntinlupa – 52
• Mandaluyong – 40
• Marikina – 37
• Pasay – 33
• Caloocan – 18
• San Juan – 14
• Valenzuela – 6
• Malabon – 4
• Navotas at Pateros – 2


Facebook Comments