NCR, nananatiling episentro ng COVID-19

Nananatiling epicenter pa rin ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR).

Ito ang sinabi ni Dr. Guido David sa Laging Handa public press briefing dahil halos 1,000 kaso pa rin ang naitatala sa Metro Manila kada araw.

Gayunpaman, ang nakikita aniyang trend sa ngayon sa NCR ay pababa na, lumuluwag na rin ang mga ospital at nag-i-improve na rin ang naitatalang positivity rate.


Sa kabila nito, sinabi ni Dr. David na karamihan ngayon sa naitatalang bagong kaso ay mula sa Mindanao, hindi lamang sa Davao City kundi sa South Cotabato, Cotabato City at General Santos City, gayundin sa Western Visayas.

Facebook Comments