NCR, nanguna sa swimming competition sa Palarong Pambansa

Manila, Philippines – Nadagdagan ang over-all ratings ng National Capital Region o NCR nang makuha ang tig-dalawang gold medals ng swimmers na sina Sacho Illustre at Nicole Pamintuan para sa aquatics competition ng Palarong Pambansa.

Nanguna ang taga-De Lasalle-Zobel na si Illustre sa secondary boys 400 meters freestyle at 200 meters butterfly habang si Pamintuan ang nanalo sa 100 meters backstroke at siya ring tumulong magpanalo sa kailang kupunan sa 200 meters medley relay.

Naitala ni Illustre ang apat na minuto at sampung segundo sa freestyle at dalawang minuto at apat na segundo para sa butterfly.


Habang si Pamintuan ay nagtala ng isang minuto at pitong segundo sa backstroke at dalawang minuto at pitong segundo para sa medley relay.

Sa unang araw pa lamang ng kompetisyon ay nakakuha na ng walong gold medal, dalawang silver at limang bronze ang NCR tankers.
DZXL558

Facebook Comments