Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyon na may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Batay sa Twitter post ni OCTA Research Fellow Guido David, nakapagtala ang Quezon City ng 27 na bagong kaso na sinundan ng Puerto Princesa, Bacolod, at Zamboanga City na may tig-12 na mga kaso.
Nasa walo naman ang kaso ng COVID-19 na naitala sa Navotas City, Taguig City, at General Santos City.
Habang pito ang naging bagong kaso sa lungsod ng Maynila at tag-anim sa Legazpi City at Las Piñas City.
Sa hiwalay na tweet, sinabi ni David na pinakamataas naman ang naitalang COVID-19 case sa Negros Occidental na may 23.
Sinundan ito ng Cavite na may 16 bagong kaso; Palawan na may 13 kaso; at Zamboanga del Sur at South Cotabato na may tig-12 na kaso.