NCR, nasa moderate risk category na sa COVID-19 ayon sa OCTA Research

Umakyat sa category na moderate risk ang National Capital Region (NCR) mula sa low risk category.

Ito’y batay sa pinakahuling resulta ng pag-aaral ng OCTA Research Group.

Ayon kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA Research, bumilis ang hawahan ng COVID-19 sa 1.47 reproduction number.


Kahapon ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 572 na bagong kaso sa NCR.

Ito’y 229% na mas mataas kung ikukumpara noong December 28.

Tumaas din ng 215 ang daily new average cases sa Metro Manila mula December 23 hanggang 29.

Ito’y mula sa 79 na naitala noong December 16 hanggang 22.

Paalala ni David, huwag magpaka-kampante lalo pa’t abala na na ang lahat sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments