NCR, nasa moderate risk classification na ayon sa Malakanyang

Inanunsyo ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na nasa moderate risk classification na ngayon ang Metro Manila.

Ayon kay Nograles, nangangahulugan lamang ito na epektibo ang mga hakbang na ginagawa sa ilalim ng re-calibrated response.

Kabilang na rito ang Prevent, Detect, Isolate, Treatment, Reintegrate o PDITR strategy at pagpapalakas ng vaccination coverage isama pa ang kooperasyon ng publiko.


Samantala, sa panig naman ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire, sinabi nitong nasa moderate risk na rin ang Regions 3, 4A, 4B at BARMM.

Habang nasa low risk na ang Region 5 at nasa critical risk naman ang Regions 11 at 12.

Facebook Comments