Nananatiling flat ang weekly growth rate ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) mula nitong nakalipas na tatlong linggo.
Sa monitoring ng OCTA Research, ang NCR ay mayroong average na 634 new COVID-190 cases per day mula July 6 hanggang 12.
Ito ay dalawang porsyentong mababa kumpara sa nagdaang linggong daily average na 646.
Ang reproduction number sa NCR ay nasa 0.93.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang lebel na nararanasan sa NCR ay ikinokonsidera nilang “moderate.”
Umaasa si David na kapag marami pa ang nabakunahan ay patuloy pa bumaba ang bilang.
“Hopefully, once na marami na tayong nabakunahan, bababa pa yan. Kapag naka 20 to 30 percent fully vaccinated we expect may effect din yan sa numbers natin,” dagdag ni Dr. David.
Ang average daily attack rate sa NCR ay nasa 4.59 per day per 100,000.
Ang positivity rate ay nananatili sa 6-percent sa average na 22,000 test kada araw.
Ang healthcare utilization rate sa Metro Manila ay nananatiling manageable na may 35% hospital bed occupancy, 42% ICU bed occupancy, at 30% mechanical ventilator occupancy.