NCR Plus, dapat manatili sa GCQ – OCTA

27

Inirekomenda ng OCTA Research Group na manatili sa General Community Quarantine (GCQ) with ‘heightened restrictions’ ang NCR Plus areas sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, bagama’t bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa NCR Plus ay nananatili pa rin itong mataas.


Aniya, hindi pa napapanahon para ilagay sa Modified GCQ ang NCR Plus dahil baka muling makampante ang mga tao.

Sa nakalipas na linggo, bumaba na sa 1,099 ang average na kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila.

Facebook Comments