Malabo pang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang NCR Plus pagkatapos ng deadline ng GCQ “with heightened restrictions” bukas, June 15.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas malaki ang tiyansa na isailalim sa “ordinary” GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula sa Miyerkules, June 16.
Aniya, nananatili kasing mataas ang aktwal na bilang ng COVID-19 at hindi pa tayo nakakabalik sa numero bago pumasok ang mga bagong variants.
Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bagama’t sang-ayon siyang ibaba na sa regular GCQ ang NCR, dapat na maging maingat pa rin sa pagpapatupad ng mga polisiyang kaakibat ng pagluluwag.
Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw ang Inter-Agency Task Force (IATF) para talakayin ang magiging quarantine status sa NCR Plus at iba pang lugar sa bansa.