NCR Plus, hindi pa pwedeng ibaba sa MGCQ – OCTA

Masyado pang premature para luwagan ang quarantine restrictions sa susunod na buwan.

Ito ang sinabi ng OCTA Research Group lalo na at hindi pa naaabot ng pamahalaan ang recommended level ng COVID-19 vaccination.

Ayon kay Dr. Guido David, hindi pa pwedeng ibaba sa modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus bubble.


Ang NCR ay maaaring maabot ang population protection level na 50% sa Nobyembre, at 75% sa Disyembre kung masasakop ng vaccination program ang 10 million population.

Ang Pilipinas ay nakapagturok na ng nasa 8.05 million COVID-19 vaccines mula nitong June 18, malayo pa 109 million population.

Facebook Comments