NCR Plus, isinailalim sa GCQ “with heightened restrictions” hanggang katapusan ng Mayo

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region o NCR plus bubble sa General Community Quarantine with heightened restrictions mula May 15 hanggang 31.

Sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, inilagay din sa GCQ ang Apayao, Baguio City, Kalinga, Mountain Province Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur.

Ang Santigao City sa Isabela at Quirino Province, Ifugao at Zamboanga City ay ilalagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Sa kanyang Talk to the Nation Address, umapela si Pangulong Duterte sa publiko na iwasan muna ang mass gatherings lalo na at maraming religious festivities ang isinasagawa ngayong buwan ng Mayo.

Pananagutin din ni Pangulong Duterte ang mga local officials sa anumang paglabag sa guidelines.

Ang iba pang bahagi ng bansa ay ilalagay sa Modified General Community Qurantine hanggang katapusan ng Mayo.

Facebook Comments