NCR Plus, malayo pa mapasailalim sa MGCQ

33

Hindi pa handa ang National Capital Region (NCR) Plus na tuluyang magluwag ng quarantine restrictions o mapasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, malayo pa bago mapasailalim sa MGCQ ang NCR Plus.


Pero hindi naman aniya malayong maisailalim sa ordinaryong General Community Quarantine (GCQ) ang NCR plus dahil sa nag-iimprove nitong datos tulad nang bumababang COVID-19 cases at pagluwag ng mga ospital.

Samantala, nakatakdang magpulong muli ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-IMEG) sa susunod na linggo upang magbigay ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte (PRRD) para sa susunod na quarantine classification.

Inaasahan namang bago mag June 15 ay iaanunsyo na ni PRRD ang susunod na quarantine classification ng bansa.

Facebook Comments